Mahal na Mahal kita

by Pandaroo

Mahal, hindi ko hinihingi ang buwan at mga bituin
Ang nais ko lamang ay iyong pag-ibig at pagtingin
Lalo na tuwing ikaw ay aking namimiss
Ang babaeng naglalambing, iyo bang matitiis?

Humihiling din ako ng iyong oras
Sa lakad sana ng mga barkadang palaging kasama, ika’y umatras
Para lang makasama ako at tayo’y magtawanan at magsaya
Mula araw hanggang gabi, kapag ikaw ang kasama, kayang-kaya!

Kung nababasa mo ito ngayon
Pasensya na kung busy ka at nasayang ang iyong panahon
Pero salamat pa rin at nagbasa ka
Dahil gusto kong malaman mo na
Mahal na mahal kita.

Leave a Reply